Suspek na nanghalay sa batang babae sa Camarines, tinututukan ng PNP

TINUTUTUKAN na ng Camarines PNP ang mga suspek  sa karumal dumal na kaso ng panghahalay at pag patay sa isang anim na taong gulang na batang babae, sa ulat ng pulisya kahapon.

Base sa kanilang report, inihayag ni  P/Supt. Edgardo Datoon, hepe ng Libmanan PNP, may mga suspek na silang iniimbestigahan na hinihinalang gumahasa at pumaslang kay Fatima Salva na taga Brgy. Palong ng nasabing bayan.

Hindi nagbigay ng detalyadong impormasyon si Datoon subalit nilinaw nito na may mga isusumite silang ebidensiya sa PNP SOCO bukod pa sa iba pang mga katibayan na  nakuha sa crime scene upang kumpirmahin ang kakikilanlan ng mga suspek.

Nabatid na inutos ang muling pag sasailalim sa otopsiya ng bangkay ng biktima ngayong araw na ito.
Matatandaang nito lamang nagdaang linggo ay natagpuang patay si Salva na duguan kung saan wala na itong saplot sa pang-ibaba malapit sa creek.

Samantala, patuloy namang inaalam  ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng isang dalaga na natagpuan na lamang na palutang-lutang sa isang ilog sa Albay.

Kamakalawa ng hapon ay  bumulaga sa ilang mga trabahador sa ginagawang flood control project sa bahagi ng Barangay Bubongsuhan Ligao City ang katawan ng biktima.

Nakaipit pa sa posteng kawayan ang bangkay ng dalaga na hinihinalang nalunod dahil sa lakas ng agos ng tubig doon matapos ang malakas na buhos ng ulan.

Sa ngayon, hinihintay na lamang ng mga otoridad ang autopsy report habang nagpapatuloy ang imbestigasyon para sa pagkakakilanlan ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply