Suspek sa batang pinatay, isinilid sa maleta naaresto

NAARESTO sa bisa ng warrant of arrest ang isa sa suspek na isinasangkot sa pagpatay sa isang paslit na babae na isinilid sa maleta sa Tondo, Maynila.

Hawak na ngayon ng Manila Police District (MPD)-Warrant Section si Rafael Nepa, 30, may-asawa ng Purok 3 Isla Puting Bata, North Harbor, Tondo, Maynila na iningusong suspek sa pagpatay kay Geraldine Palma, na noon ay nasa edad 7-anyos.

Sa pamamgitan ng arrest warrant na ipinalabas ni Judge Roy Gironella ng RTC Branch 43 ay muling naaresto sa kasong rape with homicide ang suspek habang pumapasada ito ng kanyang side car.

Magugunita na noong 2007, naaresto na si Nepa at dinala sa MPD-Crime Against Persons Investigation Unit, dahil sa nakuhang maleta sa kanyang pinapasadang sidecar.

Halos isang linggo itong ikinulong subalit napalaya rin matapos igawad ang “Released for Further Investigation” (RFI).

Sinuportahan din sa RFI ng suspek sa magkasalungat na ebidensiya nang tumestigo ang ilang sundalo sa Isa Puting Bato dahil nang na-checkpoint nila ang suspek noong August 2007 ay kulay itim na maleta ang kanilang nakuha gayung kulay berdeng maleta ang sinasabing pinaglagyan kay Geraldine.

Gayunman, noong Enero 19, 2011 ay lumabas ang arrest warrant kay Nepa sa kasong rape with homicide at nitong nakaraang linggo lamang siya naaresto ng mga tauhan ni Sr. Insp Roberto Mangune, Block Commander ng Del Pan Police Community Precinct ng MPD.

Limang taon na ang nakalilipas nang matagpuang patay at nakasilid sa maleta kulay berde ang biktimang si Geraldine (Dindin) Palma noong Agosto, 2007 sa tabing-dagat ng Isla Putitng Bato Sa North Harbor.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply