SUV sumemplang; 1 patay, 7 sugatan sa Kyusi

NASAWI ang isang 18 anyos na estudyante makaraang mabasag ang bungo nito habang sugatan naman ang pito pang kasamahan nito matapos sumemplang ang kanilang sinasakyang Sports Utility Vehicle ng mga ito sa Quezon City kaninang madaling araw Hunyo 10, 2012.

Namatay noon din sa lugar ng insidente ang biktimang si Gerald Balderan,18, ng 16 Mariveles St.,Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City sanhi ng pagkabasag ng kanyang bungo matapos humampas sa windshield at kongkretong kalsada.

Agad naman isinugod sa East Avenue Medical Center ang pitong kasamahan ng biktima na nagtamo ng sugat, galos at pasa sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Ayon sa ulat ni PO3 Ben Pilao,ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 1, naganap ang insidente dakong 3:00 ng madaling araw sa kahabaan ng Araneta Avenue sa tapat ng X-GMA Transiquit Enterprises motorshop malapit sa panulukan ng Retiro, Laloma, QC.

Sa ulat, sakay ang mga biktima ng kulay gray na Mitsubishi Montero (NSO-553) na minamaneho ni Xerxes Sapalo, 36, binata, businessman ng 59 Halcon St., Brgy. Sta. Teresita, QC nang maganap ang aksidente.

Ayon sa ulat, galing ang mga biktima at driver ng SUV sa Quezon Avenue, QC at patungo sana sa direksiyon ng Caloocan City nang bigla umano silang mawalan ng preno sa lugar.

Dahil dito, umekis- ekis umano ang Montero at muntik pa itong mahulog sa ilog kung kaya kinabig ng driver nito ang manibela pakanan at pakaliwa hanggang sa tumagilid ang sasakyan dahilan para masawi ang biktima at masugatan ang pitong kasamahan nito.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply