T3 ng Tulfo brothers nakakuha ng TRO sa CA

MATAPOS makakuha ng temporary restraining Order (TRO) ang kampo ng Tulfo Brothers ay makakapagpalabas na muli sila ng kanilang programa sa TV5 matapos silang payagan ng Court of Appeals.

Ang TRO  ay may bisa na 60 araw ngunit inatasan ng korte ang TV network na maglagak ng P100,000.00 bond.

Una nang sinuspinde ang programang T3 ng Tulfo brothers  matapos na magpahayag ang magkakapatid  ng pagbabanta laban sa mag-asawang Santiago kaugnay sa naganap na insidente sa NAIA terminal 3 kung saan nabugbog si Mon Tulfo.

Ibinasura naman ng appealate court ang mosyon  ng TV5 noong Mayo 16 na ipawalang-bisa ang suspensyon na ipinataw ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB).

Sinuspinde ng MTRCB  ang nasabing programa noong Mayo 30.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply