Tabloid reporter nagpumilit kumuha ng litrato ni Dolphy

ISANG tabloid reporter ang nagpumilit at nagtangkang lumagpas sa secured area ng Makati Medical Center upang kunan ng larawan si Comedy King Dolphy habang naka-confine sa intensive care unit sa naturang ospital.

Ito ang kinumpirma ni Rolly Quizon, anak ni Dolphy, sa isang panayam sa radio kaninang alas-3:00 ng madaling araw.

Dahil dito, umapela ang Pamilya Quizon sa mga mamamahayag at mga fans ni Dolphy na bigyan ito at ang buong pamilya ng privacy habang patuloy pa ring inaantabayanan ang kondisyon ng Comedy King.

Dagdag pa ni Rolly, regular naman silang nagbibigay ng update sa kondisyon ng kanilang ama at madali naman silang kausapin kung kaya’t hindi na kailangan pang manghimasok sa lugar.

Nagpapasalamat ang pamilya Quizon sa pagdadasal ng mga kaibigan at fans para sa agarang ikagagaling ng Hari ng Komedya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply