Taguig police nabiktima ng carjackers

ISANG hepe ng Police Community Precinct 8 Palar, Taguig City  ang iniulat noong Miyerkules na naging biktima mismo ng mga hinihinalang miyembro ng carjackers.

Kinumpirma ni PCP 8 Palar PSI Ajerico Bocar na dakong 1:00 ng umaga ng matuklasan nito ang pagkawala ng kanyang white Honda 200R model 1998 na may plakang PS1271 habang ito ay nakahimpil sa loob ng bakuran ng MB 27 BCDA Condo sa Barangay Ususan ng nabanggit na lungsod.

Sinabi ni Bocar na ‘di niya inakala na maging siya ay mabibiktima na rin ng mga carjackers na naglipana sa Taguig.

Kumilos na ang Special Operations ng Cobra Intelligence – AnCar sa ilalim ng pamumuno ni PSI Joseph Austria sa pagsasagawa ng hakbang para matukoy ang mga salarin.

“Mayroon na kaming sufficient information how to get these pests.We assure the public we will put these notorious elements behind bars,” aniya pa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply