Talent fee ni Grace Lee tumaas dahil kay PNoy

NAGING malaking advantage pala talaga kay Grace Lee ang pagkaka-link niya kay PNoy.

Imagine, dati ay 25K lang daw ang bayad per hosting job kay Grace. Ngayon, simula nang ma-link ang pangalan ng Korean Pinay TV Host sa Pangulo ng ating bansa na si Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at naging instant sikat siya, how true na umaabot na raw sa daang libong piso ang asking price ni Grace sa anumang event na kanyang iho-host.

Marami pa rin daw ang kumakagat sa presyo ng biyuting host dahil maliban sa pinag-uusapan ito ay may talent namang talaga at very articulate pa. At kahit pa sinasabing hiwalay na sila ni PNoy ay hindi pa rin nawawala ang interes ng publiko dito kay Grace na kanya naman talagang napakikinabangan nang husto. Well, ganyan talaga sa showbiz, kapag in ka ay magiging super in-demand ang career mo at kikita ka rito ng limpak-limpak na salapi.

Good for her gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply