Talent manager nagtatago sa mga pulis

HABANG isinusulat natin ito, hindi pa mahagilap ang talent manager kung saan lupalop ito nagtatago.

Pinaghahanap na kasi ito ng kapulisan para posasan dahil sa utos ng isang korte.

Hilong-talilong ang manager na itetch at ‘di na raw alam ang kanyang gagawin dahil talaga namang pag-Guinness Book of World Records ang kinasasangkutan nitong mga kaso sa sobrang dami.

Dapat harapin na lang nito ang problema. Panindigan nito ang kanyang katapangan. Huwag n’yang ipakita sa kanyang mga kalaban na naduduwag siya dahil lalo siya nitong didikdikin.

***

Kabastusan sa cooking show itsinismis n guro sa kanyang mga estudyante

MATINDI siguro ang pagkadiri ng gurong naging guest sa isang cooking show kung kaya’t pati sa kanyang mga estudyante ay itsinismis nito ang kabalahuraan sa nasabing programa.

Ang topic daw kasi ni ma’am ay tungkol sa kalinisan sa kusina at ang kaayusan sa pagprepara ng pagkain. Kaya naisipan nitong maging paksa ang naging episode nito sa show na ang host ay hitsurang nasa palengke sa sobrang ingay.

Infairness, magaling ang host na itetch at eksperto sa pagluluto. Hindi lang siya metikuloso at malinis sa mga gamit sa kusina. Marahil eh, kasalanan na rin ito ng staff.

Bueno, itong si ma’am nga ay hindi nakatiis at lahat daw talaga ng puna ay napansin nito sa host na mukhang Iranian. Maging amoy ng host ay pinakialaman nito- hindi raw maganda sa ilong. Hehehe!

***

Kapamilya, Kapauso at Kapatid stars magsasanib-pwersa

BUKAS, Hunyo 16) na ang “Icons at the Arena: Masters of OPM,” ang kauna-unahang pagsasama-sama sa isang engrandeng one-night concert ng pinakamalalaking pangalan sa Philippine music industry na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena. Tampok sa makasaysayang concert ang mga pinakainiidolong mang-aawit sa bansa kabilang ang mga world-class na sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Lea Salonga, Jose Mari Chan, ZsaZsa Padilla, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Basil Valdez, Freddie Aguilar, Christian Bautista, Erik Santos, Juris, Jed Madela, Piolo Pascual, Bamboo, Arnel Pineda, at ang grupong The Company. Bahagi rin ng programa ang mga sikat na komedyanteng sina Pokwang, Jose Manalo, at Wally Bayola. Host sa concert sina Jim Paredes at Pops Fernandez, samantalang si Johnny Manahan ang director, at si Ryan Cayabyab naman ang musical director.

Huwag palampasin ang “Icons at the Arena: Masters of OPM” ngayong Sabado (Hunyo 16), 8pm, sa the SM Mall of Asia Arena.

Para sa tickets, tumawag lang sa 470-2222 o mag-log on lang sa www.smtickets.com. Para naman sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Facebook fanpage ng Star Records na www.facebook.com/starrecordsphil o i-follow ang @starrecordsph sa Twitter.

***

Kampo ng singer/actres natuwa sa ‘di magandang resulta ng proyekto ng kapwa singer

AKALA ng singer/actress papalitan na siya sa trono ng kapwa singer na produkto rin ng singing contest sa telebisyon. Nabahala nga ito at kamuntik pang lumayas sa estasyon dahil nagmarakulyo. Akala nya kasi di na siya labs ng kanyang home studio. Pero nagkamali siya dahil nung papaalis na siya, sinalpakan siya ng malaking halaga ng network kaya hindi natuloy ang kanyang paglayas.

At mas lalo pang natuwa ang kanyang kampo nang ‘di gaanong kumita ang proyekto ng kapwa singer. At least daw eh, napatunayang hilaw pa talaga ito sa ibang talento kung ikukumpara sa hinog na hinog nang singer/actress.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply