Talo-nanalo pera pa rin

HINDI natin talaga naintindihan kung bakit nanalo si Timothy Bradley kay Kongresman Manny ‘Pacman’ Pacquiao.

Sa computer box, panalo si Pacquiao sa halos lahat ng round.

Pero sa mga huwes, panalo si Bradley sa split decision.

Ngunit nang ideklara si Bradley na “New Welterweight Champion…” nag-boo ang halos lahat ng mga nanonood sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada kina Uncle Sam.

Kung paano tayo nalito sa desisyon, ganundin si Pacman.

Hindi niya umano nawari kung bakit nagkaganun ang desisyon.

oOo

Pero katulad ng ginawa ni Pacman, tinanggap niya nang nakangiti ang desisyon at daraanin na lang umano sa return bout ang lahat.

Sabagay, Suki, diyan sa return bout nakababawi si Pacman.

Pero heto ang ilang napansin natin. Sa dalawang huling laban ni Pacman, tila nawawala na ang mga pamatay niyang suntok.

Palatandaan na kaya ito ng pagkakaroon ng edad?

Wala na rin gaano ang mga bilis sa kamao at liksi.

Tanggapin man o hindi ni Pacman, palatandaan ang lahat ng ito ng malapit na niyang pagkalaos dahil sa edad. Pero pupuwede pa siyang lumaban. Money maker pa rin siya ngayon.

Adbays natin kay Pacman, alalahanin niya ang mga umaasa sa kanya na ating mga kababayan.

Magandang kumita siya sa boksing para sa kanyang serbisyo publiko kaysa maging kawatan sa pondong bayan na kunwaring para kay Juan.

Nga pala, pumirma ba si Pacman sa waiver sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth?

oOo

Isang warningshot pala kay Pacman: Paano ang kumakalat na paniniwalang sinadya ang pagkatalo ni Pacman para magkaroon ulit ng laban na may malaking pera?

Kapag ganito ang boksing na may halong Mafia, baka mawalan na ng gana si Juan maging kay Pacman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply