Tañada sa mga mambabatas: FOI bill ipasa kung walang itinatago

ANG taong bukas ay hindi takot sa batas, panahon na ng FOI.

Ganito hinamon ni Deputy Speaker Erin Tanada ang kapwa mga mambabatas upang agad na ipasa ang Freedom of Information Bill.

Iginiit ni Tanada na dapat na tularan ang ginawa ng senado na pagsuporta sa kanilang bersyon ng ginawang FOI bill.

Aniya, katulad ng mabilis na proseso sa impeachment complaint kay dating Chief Justice Renato Corona ay dapat ganito rin ang mangyari sa FOI bill sa mababang kapulungan ng kongreso.

“The issues on transparency and accountability have been the cornerstone of the bill.  It was meant to break the shroud of secrecy especially in the context of public governance and leadership,” ayon pa kay Tanada.

Binigyang diin pa ng kongresista na hindi matitigil ang walang katapusang pagdududa ng taumbayan dahil sa walang malinaw na impormasyong nanggagaling mula sa mga ahensya ng pamahalaan.

Ang kongreso ay nakatakdang mag-adjourn sine-die sa Huwebes o June 7 at muling magbabalik sa huling Lunes ng July para sa SONA (State of the Nation  Address) ni Pangulong Aquino.

Ngunit nagpahayag si House Speaker Feliciano Belmonte na ikinukunsidera na ng liderato ng Kamara ang pagpapalawig ng sesyon hanggang sa Biyernes June 8, upang matiyak na maaaksyunan pa ang mga mahahalagang panukalang batas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply