Tandem nina Kris at Boy sobrang nami-miss na!

ISANG orihinal na konsepto ang handog ng GMA para sa mga bata sa kanilang pinakabagong teleserye na mapanonood gabi-gabi bago mag-24 Oras. Ito ang Daddy Dearest na pinagbibidahan ng komedyanteng si Ogie Alcasid, Jolina Magdangal at ang child star na si Milkcah Nacion.

Sadyang nakatatawa ang istorya ng Daddy Dearest dahil ang amang si Ogie ay biglang magiging isang nanay dahil sa wish ng batang si Milkcah kay Pauleen Luna na gumaganap bilang isang engkantada. Hindi kayo titigil sa katatawa lalo na kung nagaganap na ang transformation ni Ogie.

Aba sa TV teaser na ipinapakita, mapanonood si Ogie na kumakanta at bigla na lang tumaas ang boses niya na mala-Regine Velasquez!

Napaka-busy nga ni Ogie ngayon na nagbabawas na nga siya ng trabaho dahil hindi na raw niya nabibigyan ng sapat na panahon ang pamilya niya.

“Naaawa na ako kay Regine dahil lagi na lang niya akong tinatanong kung anong oras ba ako uuwi. I admit nagkukulang ako ngayon sa kanya bilang isang husband,” pahayag ni Ogie.

Dahil dito hindi na niya tinanggap pa ang offer sa kanya ng Regal Films na sumama sa pelikulang Lola Basyang na MMFF entry sana ng Regal.

Pinapalabas ngayon sa mga sinehan ang kanyang Boy Pick-Up, The Movie tapos sinu-shoot pa niya ngayon ang Doo Bi Doo. Bukod dito may Bubble Gang, Daddy Dearest, Pare At Pare at Party Pilipinas pa siya.

“Hindi naman kasi dapat puro trabaho na lang. I want to spend quality time with my family. Naiinggit nga ako kay Regine dahil she’s always at home with our baby. E gusto ko ring makasama ang baby namin nang matagal. Kaya I’m making it a point beginning this month na I’ll have Saturday as my rest day para sa family ko,” kuwento ni Ogie na busy rin nilang pangulo ng OPM.

***

NABANGGIT din ni Ogie na wala siyang nalalaman sa tsikang merger ng GMA at TV5. Basta ang alam niya hindi siya pwedeng gumawa o mag-guest sa ibang network kasi nakakontrata siya ng exclusive sa GMA for another one and a half years pa. At satisfied naman siya sa Kapuso Network dahil alaga naman siya nang husto rito.

Kinumfirm rin ni Ogie na mananatiling nasa Bubble Gang si Rufa Mae Quinto kasi pumirma na ang sexy actress sa show. At okey naman yatang lumabas ito sa ibang network for as long as hindi ito katapat ng Bubble Gang. Show contract lang kasi ang pinirmahan ni Rufa Mae at hindi na network contract tulad dati. Ang Viva at si Vic Del Rosario ang tumatayong manager niya.

***

FINALLY ay mamamaalam na sa ere ngayong Linggo (June 10) ang paborito naming teen show na Reel Love Presents Tween Hearts. Aba, originally ay for 8 weeks lang tatagal ito pero dahil sa napakalaking response from the televiewers kaya naman umabot ito ng 87 weeks or episodes, or nearly two years of airing!

Ni-launch ng show ang bonggang careers nina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Jake Vargas, Bea Binene, Derek Monasterio, Louise delos Reyes at marami pang iba. Tinalo rin nito sa ratings ang apat na naging katapat nito sa ABS-CBN, namely Your Song, Good Vibes, Growing Up at Luv U.

Magpapatuloy pa rin sa pag-ere ang Reel Love Presents tuwing Linggo ng hapon pero ibang istorya naman at ibang mga artista ang bida tulad nang ginagawa nila dati.

***

WALA na talagang tatalo pa sa galing ni Boy Abunda sa pagho-host ng The Buzz. His opinions tungkol sa mga showbiz issues ay may kabuluhan.

Nami-miss lang namin talaga si Kris Aquino bilang co-host niya sa The Buzz dahil naniniwala kami na ang tandem nilang dalawa is the one to beat pagdating sa mga showbiz talk shows. Ang pagiging taklesa ni Kris complements sa pagiging prim and proper and authoritative ni Boy. Kelan kaya magsasama uli ang dalawa sa isang talk show?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply