Taong grasa tinadtad ng bala

CALACA, Batangas-Malaking palaisipan ngayon sa pulisya ng Calaca ang motibo sa pamamaslang sa isang taong grasa na pinagbabaril ng riding in tandem kahapon.

Ayon sa report ng pulisya, ang hindi pa nakikilalang biktima ay pinagbabaril ng lalaking nakaangkas sa motorsiklong walang plaka at armado ng .45 cal pistol sa Brgy. Salong sa nasabing bayan.

Ayon sa ilang saksi, pagala-gala sa kalsada ang taong grasa na tila may diperensya sa pag-iisip nang biglang sumulpot ang salarin at walang awa itong pinagbabaril.

Sa insidente ay sugatan naman si Seferino Lagsa E. Solomon, 22, residente ng Brgy. Salong, Calaca nang tamaan ito ng ligaw na bala.

Iniutos na ni Calaca police Chief, Chief Insp. Arturo Divino ang masusing imbestigasyon sa krimen.

“Nakapagtataka lang na ang isang taong grasa at may sakit sa pag-iisip ay pag-iinteresan pang patayin,” ayon pa kay Divino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply