Itay na suspek sa pang-aabuso sa 2 anak nagbigti

ILOCOS SUR –  Pinili ng isang ama na wakasan ang kanyang buhay sa halip na harapin ang kasong child abuse na isinampa sa kanya dahil sa pananakit niya sa dalawang menor de edad na anak.

Batay sa ulat, nakabitin na nang matagpuan si Rey Sahagon sa banyo sa kanyang bahay sa Brgy. Abuor, bayan ng Narvacan.

Una rito, nakatanggap ng ulat ang opisina ni P/Chief Insp. Fajardo, hepe ng PNP Narvacan, hinggil sa lalaking naghagis ng umano ng granada sa likuran ng kanilang bahay.

Nang puntahan ng mga awtoridad ang tahanan ng suspek at halughugin ay nakakita nga ng granada roon. Subalit nang buksan nila ang banyo habang hinahanap ang suspek ay natagpuan nila itong nakabitin.

Bago ang pangyayaring ito, sinampahan ng reklamong child abuse ang biktima dahil sa pananakit umano sa dalawang menor de edad na anak.

Napag-alaman na ang misis ng biktima ay isang OFW at matagal nang hindi umuuwi.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply