Team Philippines bibidang muli sa international competition

BIBIDANG muli ang galing ng mga Pinoy sa ikatlong Shell Eco-Marathon Asia na gaganapin ngayong darating na July 4 hanggang July 7.

Ang Philippine team ay binubuo ng anim na grupo ng mga estudyante mula sa ilang top universities sa bansa: ang University of the Philippines-Diliman (Team UP), ang De La University-Manila (Team Ice at Team Proto), ang University of San Carlos (Team Lahutay), ang Mapua Institute of Technology (Team Cardinal Haribon at Team Aguila) at ang Technological Institute of the Philippines (Team Mileage at Golden TIP Engineers).

Tutulak ang mga estudyante patungong Malaysia upang ibida ang kanilang mga dinisenyong fue efficient urban concept at prototype cars laban sa 110 teams mula sa iba’t ibang sulok ng Asya.

Aabot sa US$42,000 ang total cash prize na maaaring mapanalunan ng mga kalahok mula sa 28 on-track awards para sa dalawang major categories: ang Prototype at Urban Concept. Ilan naman sa mga off-track awards ay ang award para sa “Eco-Design”, “Best Team Spirit”, at “Perseverance in the Face of Adversity.”

Ang Shell Eco-Marathon ay isang kumpetisyon para sa mga university students na humahamon sa kanila upang bumuo at magdisenyo ng sasakyang (o makina ng sasakyan) pinakamatipid sa gasolina, ngunit pinakamalayo naman ang itatakbo: farthest distance using the least amount of energy.

Noong nakaraang taon, ang Team Kidlat mula sa UP-Diliman ay nagwagi ng Diesel Fuel Award para sa Urban Concept category habang ang koponan naman mula sa Mapua Institute of Technology ay inuwi ang 2nd place prize para sa Safety Award para sa Prototype category.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply