Team Suzuki Pilipinas, Pinoy pride all the way!

KUNG Pinoy pride lang din naman ang pag-uusapan, hindi magpapahuli d’yan ang Team Suzuki Pilipinas! Ang Team Suzuki Pilipinas ay ang natatanging Filipino team na kabilang sa hanay ng mga competing teams sa 2012 Asia Road Racing Championships (ARRC), at lahat ng team riders ay Pinoy.

Una na d’yan ay si Dashi Watanabe na siyang pambato ng Team Suzuki Pilipinas sa SuperSports 600cc category. Si Watanabe ay isang award-winning Underbone at Superbike racer dito sa Pilipinas at maging sa ibang Asian countries; pamula sa pangangarera sa mga 180cc scoots, ang 17-year old rider ay ang humalili sa pwesto ng pansamantalang Team Suzuki Pilipnas 600cc rider na si Yusuke Teshima, noong nakaraang taon.

Maganda ang ipinakitang simula ni Watanabe dahil pumuntos siya para sa team matapos nitong pumwesto sa 13th spot sa Round 1 na ginanap sa Sepang International Circuit sa Malaysia. Ito ang unang puntos ng Team Suzuki Pilipinas para sa 17th Season ng ARRC.

Awesome twosome naman ang tandem ng dalawang Pinoy Underbone champs na sina John Lery Enriquez at John Emerson Inguito para saTeam Suzuki sa Underbone 115cc category; kapwa inisponsoran ng Suzuki ang dalawa ng tig-isang Smash 115 upang makipagbakbakan sa ibang competitors. Ito na ang ikalawang taon ni Enriquez sa Team Suzuki Pilipinas at ARRC, at ngayong taon, masasabing Enriquez has upped his game.

Level-up din ang technical crew ng Team Suzuki Pilipinas, na binubuo ng mga Japanese technicians para sa SuperSports 600cc at ng Filipino technicians para naman sa Underbone 115cc. Ang pinagsamang galing at talento ng mga Pinoy at Hapon ang siyang nagsisilbing backbone ng Team Suzuki Pilipinas upang mapabuti pa ang kasalukuyan at mga hinaharap na karera.

Ayon sa team director na si Eiji Kobayashi, ang pagkakabilang ng Team Suzuki Pilipinas sa ARRC ay maituturing nang isang malaking karangalan dahil nangangahulugan ito na kaya ng Pilipinas na makipagsabayan sa international racing scene, at dagdag pa niya, ang pagiging isang all-Filipino riders team ay higit na isang malaking karangalan at mas makabuluhang bagay.

Gaya na lamang ng PFF-Suzuki Philippines collaboration para sa future ng Football at ng mga Pinoy football players sa bansa, ang pagbuo ng SPH ng isang team na kakatawan para sa Pilipinas sa ARRC, ay ilan lamang sa patunay na buo ang tiwala ng Suzuki sa kakayahan ng mga Pilipino.

****

Bukas ang final race ng Round 2 ng 2012 Asia Road Racing Championships na kasalukuyang ginaganap sa Sentul International Circuit sa Indonesia.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply