Technician todas sa stepson

PATAY ang isang technician nang tarakan ng  stepson nito matapos magkapikunan sa inuman kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Dead on the spot  sanhi ng ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Rodney Cervantes, nasa hustong gulang at residente ng Phase 2, Package 2, Block 45, Lot 8, Bagong Silang ng nasabing lungsod.
Nakatakas naman ang suspek at anak-anakan ng nasawi na si Ryan Soliman, 25 at naninirahan sa nasabi ring lugar.

Nabatid na dakong alas-2 ng madaling araw nang maganap ang krimen ilang metro lang ang layo sa bahay ng biktima.

Ayon sa salaysay ng saksing si Esteban Larangan, 48, unang nakita nitong nag-iinuman ang biktima at suspek sa naturang lugar.

Makalipas ang ilang sandal, narinig nitong umiiyak ang kanyang apo kaya’t agad itong lumabas ng bahay at tumambad sa paningin nito ang walang buhay na katawan ni Cervantes habang ang itinuturing nitong anak ay agad na tumakas.

Agad nitong ipinagbigay alam sa mga awtoridad ang pangyayari at sa isinagawang pagsisiyasat, nakita ng mga awtoridad ang isang kulay puting polo shirt na puno ng dugo na umano’y pag-aari ng suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply