Testigo sa kasong murder, tinumba sa Tondo

ISANG 21 anyos na binata ang nasawi ng mapatay ito sa saksak, mula sa kapatid ng murder suspect, dahil sa umano’y pagtetestigo ng una sa Tondo, Manila.

Namatay habang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang si Joel Salceda, tambay ng 801 Area A. Gate 3 Parola compound, Tondo Manila sanhi ng saksak sa katawan kamakalawa ng hapon.

Patuloy naman ang isinagawang manhunt operation laban sa suspek na nakilalang si Marvin Cruz 27, binata ng Area A. Gate 3 Parola compound, Tondo.

Base sa ulat ni Det. Rodelio Lingcong ng Manila Police District (MPD)-Crime Against Persons Investigation Section ,dakong 4:20 ng hapon, kamakalawa  nang maganap ang nasabing insidente sa harap ng 794 Area A. Gate 3 Parola compound, sakop ng Tondo.

Bago umano ang naturang krimen, nag-iinuman  ang suspek at ang isang  Henry Cajipe, 27 nang dumating ang biktima at nakisama sa kanilang inuman.

Nakailang tagay pa lamang ang biktima nang umalis ito subalit pagbalik nito ay may dala nang pulutan at muling nakipag-inuman sa dalawa.

Matapos ang ilang tagay ay muling umalis ang biktima upang umano’y kumuha ulit ng pulutan subalit sinundan siya ng suspek at sinabi sa kasama na bibili ito ng ice cube.

Nang makita ng suspek ang biktima na naglalakad sa nasabing lugar ay nilapitan nito at walang sabi-sabing pinagsasaksak ito.

Lumitaw sa masusing pagsisiyasat ni Det.Lingcong, nagkaroon umano ng matinding galit si Cruz sa biktima dahil sa pagtestigo umano nito kontra sa kanyang kapatid sa kasong murder may tatlong taon na ang nakakaraan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply