Testimonya ni Martirizar tinutulan ni Abalos

MARIING tinutulan ni dating Comelec Chairman Benjamin Abalos ang testimonya ni dating North Cotobato election supervisor Yogie Martirizar sa pagdinig ng kaong electoral sabotage sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) kanina.

Dahil dito agad uminit ang pagsisimula ng pagpapatuloy sa pagdinig sa sala ni Judge Jesus Mupas ng Pasay RTC branch 112.

Igiit ni Abalos kay Mupas na hindi makatwiran pang pakinggan ang testimonya ng dating election supervisor bilang testigo ng prosekusyon, kung hindi lilinawin ng abogado nito na ang kanyang kliyente ang nag-tamper ng mga election document sa North Cotabato noong may 2007 elections.

Ipinaliwanag ni Abalos, na hindi klaro kung ang pakay sa pagprisinta sa testigo ay para sa kanyang kahilingan na ma-discharge sa kaso, o basta ordinaryong testigo.

Ayon kay Abalos, lahat ng sinabi ng testigo ay hindi pwedeng magamit laban sa kanya kung ito ay para sa kanyang kahilingan na maabswelto.

Samantalang kung siya ay magiging ordinaryong testigo, lahat ng mga sasabihin niya ay maaaring magamit ng korte laban sa kanya.

Tinangka kasing pilitin ni Abalos na paaminin ang prosekusyon, na sinabi ng testigong siya ang nag-tamper ng mga election document pero hindi naman pumayag ang mga abogado ng Comelec at DOJ, maging ang abogado ng testigo na si Atty. Nena Santos.

Napataas ang boses ni Judge Mupas, nang muling igiit pa rin ni Abalos, na hindi na dapat paharapin sa witness stand si Martirizar, kasabay ng paghampas nito sa gavel at magsabi ng “order.”

Sinabi ni Judge Mupas, patas lamang ang kanyang ginagawang pagsasala sa kaso, at lahat ay kanyang binibigyan ng pgkakataon na marinig ang kanilang panig.

Nanindigan naman ang prosekusyon na dapat ay ipaubaya na lamang sa korte ang desisyon  kung dapat bang maalis sa kaso o madiin pa rin siya sa reklamo.

Samantala, habang patuloy na tinututulan ng kampo ni Abalos ang testimonya ni Martirizar, nagawa namang ilahad ng testigo ang mga detalye ng dalawang set ng election documents, na nagpatotoo na inutusan siyang ayusing mapanalo ang mga kandidato ng dating pangulong “Gloria Arroyo.

Napaiyak naman si Martirizar ng isalaysay nito kung pano siya tinutukan ng baril ng isang Capt. Peter Reyes, at umano’y namura pa ni Abalos nang tanggihan niyang pirmahan ang mga tampered provincial certificate of canvass.

Si Martirizar ang co-accused ni Abalos sa 2 counts ng electoral sabotage sa Pasay RTC  br 112, na pinatutunayan ngayon nito sa korte kung papaano inutusan siya ni Abalos na tiyakin ang 12-0 votes sa North Cotabato pabor sa tiket ni dating Pangulong Arroyo. (Johnny F. Arasga)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply