The price to pay

SA KANYANG pagtungo sa ibang bayan upang maghanap ng mas magandang kapalaran ay hindi inasahan ni Angelito ang magiging kapalit ng tagumpay na kanyang kasalukuyang tinatamasa sa bansang Macau.

Tubong Muntinlupa si Angelito Argana, dati siyang namamasukan at nagtatrabaho sa Pepsi Cola Company, hanggang sa isang oportunidad na makapag-trabaho sa Japan bilang isang trumpeter ang dumating sa kanya.

Dahil sa kagustuhan na mabigyan ng mas magandang buhay ang kanyang pamilya at ang kanyang dalawang anak, nag-resign sa pinapasukang kompanya si Angelito, upang makipagsapalaran sa bansang Hapon.

Hindi nagtagal sa nasabing bansa si Angelito, bumalik siya sa Pilipinas, kung saan ay isang oportunidad naman upang makarating ng Macau ang muling dumating sa kanya.

Bagama’t ayaw ng umalis ng bansa at muling iwan ang pamilya ay napilitan siyang yakapin ang oportunidad na iyon.

Sa unang pagtapak ni Angelito sa bansang Macau ay labis na pangungulila ang sumalubong sa kanya kung kaya’t inakala niyang hindi siya magtatagal doon.

Matinding determinasyon at pangarap ang nagtulak sa kanya upang manatili at magtrabaho bilang isang manunugtog sa Estoril Hotel sa isang Parish night club doon.

Sa paglipas ng mga taon ay nanatiling nagtatrabaho at nakikipagsapalaran si Angelito sa Macau. Nagpalipat-lipat siya ng lugar na pinagtatrabahuhan gaya ng King Do night club, Hotel Esboa at King Swei Hotel.

Habang unti-unting inaabot ang pangarap hindi lamang para sa sarili, kundi maging para sa kanyang pamilya ay isang napakabigat na pagsubok ang dumating kay Angelito-nagkahiwalay sila ng kanyang asawa.

Napakabigat na dagok para sa kanya ang nangyari sapagka’t hindi niya inasahan na ang kanyang maybahay ang magiging kapalit ng unti-unti niyang pag-abot sa kanyang mga pangarap at adhikain na maiahon sa hirap ang pamilya.

Sa kabila ng nangyari ay hindi sumuko at bagkus ay nagpatuloy sa pakikibaka sa buhay si Angelito at sa kasalukuyan ay isa na siya sa miyembro ng bandang The Fisher’s- isang bandang Pinoy  na tinatangkilik at unti-unting nakikilala sa bansang Macau.

Tunay nga na sa likod ng mga ngiti ay isang luha ng pagdadalamhati, sa bawat kuwento ng tagumpay ay isang pakikibaka at patuloy na pagsusumikap. Sapagkat sa mundong ito “There is nothing that costs you nothing- Everything has its own price to pay- That is the law of equivalent rate.”

*******
Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply