Therapist nagbigti sa sementeryo

CAVITE- sanhi ng sobrang depresyon isang 44-anyos na therapist ang nagpasyang wakasan ang kanyang buhay dahil sa sobrang pag-iisip at umano’y depresyon sa pamamagitan ng pagbibigti sa puno sa loob ng sementeryo sa Bagong Pook, Brgy.  San Antonio, Cavite City.

Ayon sa nakarating na report sa tanggapan ni P/Supt. Jerry V. Protacio ng PNP-PIO, nakilala ang biktima na si Ruben Francisco, 44, may-asawa, massage therapist, ng 48A Bagong Pook ng nasabing lungsod.

Batay sa ginawang imbestigasyon ni PO3 Rodel Noo Bultizon, may hawak ng kaso, ganap na alas- 5:30 ng umaga nang matagpuan ng isang tambay ang bangkay ng biktima na nakabitin sa isang puno sa loob ng pampublikong sementeryo sa nasabing lugar.

Bago ang pagpapakamatay, nakatanggap pa ng text mula sa biktima ang mga kapatid nito na nakilalang sina Veronica at Rodel na nagsasaad ng pamamaalam at pasasalamat sa kanila.

Dahil sa text, pinuntahan nila ang bahay ng biktima subalit hindi nila ito naabutan hanggang sa makita na lang itong nakabitin sa loob ng sementeryo.

Nabatid na dalawang linggo lang ang nakalilipas nang magtangka itong magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng Clorox subalit nadala pa ito sa ospital at nakaligtas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply