Thunder kampeon ng Western Conference

NAGHARI ang Oklahoma City Thunder sa Western Conference Division ng National Basketball Association regular season matapos gapiin ang San Antonio Spurs sa Game 6.

Dahil dito, hihintayin na lamang ng Thumder kung sino ang mananalo’t kanilang makahaharap sa NBA Finals sa pagitan ng Miami Heat at Boston Celtics sa Eastern Conference.

Sa game 6 kanina, pinataob ng Thunder ang Spurs para tuluyang isara ang serye sa 4-2.

Tinambakan pa ng Spurs ng 15 puntos ang Thunder ngunit nahabol ito hanggang naipanalo ang laban sa iskor na 107-99.

Nanguna sa panalo ng Thunder si Kevin Durant na may 34 na puntos at 14 rebounds habang nakaagapay niya si James Harden na nagbulso ng 16 points at limang rebounds.

Para naman sa Spurs nagtala ng 29 points si Tony Parker habang 23 points naman ang iniambag ni Stephen Jackson.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply