Timbog na si Diablo, ang magnanakaw na rapist

KUNG ikaw ay taga-Quezon City o Marikina, makahihinga ka na nang maluwag dahil nahuli na yung naghahasik ng lagim dito noong buwan ng Mayo.

Pero ‘di ito dahilan para ‘di na natin pag-ingatan ang ating mga sarili at pamilya.

Kailangang manatili tayong vigilant pare-pareho. Dahil talamak ang krimen ngayon.

Mabuti na lang at magaling ang pulis namin. Kasi, pag magaling kang pulis, kilala mo ang lahat ng nag-o-operate na kriminal sa sakop mong lugar.

Ganyan ang nangyari rito sa pagkakadakip kailan lang ng riding-in-tandem na nanloloob ng bahay at nanggagahasa pagkatapos magnakaw.

Sa unang biktima pa lang n’ya sa Concepcion Uno, natukoy na agad ang suspek matapos na ma-identify siya ng kanyang rape victim.

Ngunit naging mailap si Reynaldo Santos, alyas Diablo o Prince Lapid, kaya nakabiktima pa ito ng tatlo pang pamilya bago nadakip.

Saludo tayo kina Sr. Supt. Gabriel Lopez, Supt. Manny Tabuena, Supt. Earl Castillo at operatives ng intelligence at anti-illegal drugs ng Marikina PNP!

Ayon kay Lopez, iniimbestigahan pa nila kung ano ang tunay na pangalan ni Santos o Lapid dahil marami silang nakuhang fake IDs sa kanya tulad ng lisensya ng isang electrical engineer.

“Nakikipag-ugnayan din kami sa QC PNP dahil marami kaming na-recover na mga gamit ng mga nabiktima nito na mga taga Xavierville, Project 4, atbp.,” kuwento pa ni Lopez.

Sa mga preso, kayo na ang bahala sa pag-welcome kay Diablo na ginagamitan ng Star Margarine.

Iba kasi ang parusa sa mga rapist sa kulungan … daig pa ang Almoranas!

oOo

Ngayon ang taunang “Ahunan sa Antipolo” ng mga empleyado at opisyal ng Marikina LGU sa Antipolo “Our Lady of Good Voyage” Cathedral. Madaling araw ang lakad ng mga taga-Marikina at pinangungunahan nina Mayor Del R. De Guzman, Rep. Miro Quimbo, Vice Mayor Fabian Cadiaz, City Administrator Vic “Tambuli” Sabiniano, Jr. at mga konsehal para makasimba sa Cathedral at pagkatapos ay makikiisa sila sa flag raising ceremonies ng Antipolo LGU.

Nawa’y sa pagtupad ninyo sa panatang yan ay maligtas ang Marikina sa mga pagbaha.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply