Tindahan inararo ng trak; 1 patay, 9 sugatan

ISA ang patay habang siyam naman ang nasaktan matapos na suwagin ng rumaragasang trak ang isang sari-sari store sa Agusan del Sur kahapon (Mayo 31).

Nagtamo ng pinsala sa ulo at sa iba’t ibang parte ng katawan ang hindi pa nakikilalang biktima habang isinugod naman ang mga nasaktan sa D.O Plaza Memorial Hospital sa Barangay Patinay sa bayan ng Prosperidad.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong reckless imprudence resulting to homicide, slight physical injuries at damage to property laban sa tumakas na trak drayber na ang minamanehong Isuzu truck ay nakarehistro sa isang Fernando Tambis.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente kahapon sa Barangay 4, San Franciso, Agusan del Sur.

Sa pagsisiyasat ng San Francisco Municipal Police Station, bago ang insidente ay patungo ang naturang trak sa bayan ng Barobo, Surigao del Sur ngunit pagsapit sa lugar, inokupa ng trak ang kabilang kalsada bago tumuloy sa nasabing sari-sari store.

Pinaniniwalaang nakatulog ang tsuper ng trak kaya bumangga sa tindahan kung saan nakatambay ang ilang kalalakihan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply