Tirador sa pier pisak sa 10-wheeler truck

NAGKALASOG-LASOG ang katawan ng isang isang kargador ng Philippine Ports Authority (PPA) sa Zamboanga City kagabi (Hunyo 29) nang masagasaan ng 10-wheeler cargo truck na kanyang pinagnakawan ng tuyong “agar-agar.”

Dead on the spot sanhi ng tinamong kapansanan sa mga buto sa katawan ang biktimang si Romeo Ramilo, 47-anyos residente ng Barangay Tugbungan sa lungsod.

Nakaditine na ngayon at sasampahan ng reckless imprudence resulting to homicide ang drayber ng trak na si Rogelio Paras.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi sa loob ng PPA compound.

Ayon sa ulat ng pulisya, bago ito ay nagnakaw ng mga tuyong agar-agar si Ramilo sa nakaparadang trak ni Paras at inilagay muna sa ilalim ng naturang trak.

Nang makitang tumatakbo na ang trak ay dali-dali itong pumasok sa ilalim para kunin ang kanyang ninakaw pero minalas na masagasaan.

Ayon sa mga guwardiya sa PPA, matagal ng kargador sa PPA ng Zamboanga si Ramilo subalit modus operandi din ito ang magnakaw sa mga ibinababang kargamento sa daungan tulad ng mga tuyong agar-agar at ibinebenta sa labas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply