Titser gugol ng mahabang panahon para sa mga subjects sa K to 12 Program

TANGGAP ng Department of Education (DepEd) na kailangan ng mahabang panahon para maging pamilyar ang mga guro sa mga subjects sa ipatutupad na ‘K to 12 Program’ ng kagawaran.

Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, ito ang dahilan kaya ngayon pa lamang ay sisimulan na ito ng DepEd para masanay na ang mga guro na magtuturo ng subjects kaya  isinailalim na sa training ang may 140,000 public school teachers ng Grade 1 at 7 para rito.

Ipinaliwanag din ni Luistro na ‘Spiral Progression Approach’ ang sinusunod ng programa kaya walang dapat ipag-alala o hindi dapat mangamba ang mga guro sa pagsisimula ng implementasyon ng ‘K to 12
Program’ ng DepEd.

Kasabay nito nagpalabas ng mas detalyadong guidelines ang DepEd kaugnay sa ‘non-collection fee’ sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa.

Ayon kay Luistro, layunin nitong mahikayat ang mga magulang na papasukin sa mga eskwelahan ang kanilang mga anak na kadalasan ay hindi ginagawa lalo na ng mga kapos sa buhay dahil sa samu’t-saring bayarin.

Base sa DepEd Order No. 41 series of 2012, mahigpit nitong ipiang-utos sa lahat ng school officials ang pagsunod sa ‘non-collection fee’ mula Kindergarten hanggang Grade 4 sa buong school year para naman sa Grade 5 pupils hanggang 4th year high school, wala rin silang dapat bayaran mula ngayong Hunyo hanggang Hulyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply