Tiyuhin pinatay dahil sa remote control ng TV

PANGASINAN-Agad binawian ng buhay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng kanyang pamangkin na sinasabing nabuwisit sa pagbababad sa telebisyon ng una.

Ayon sa ulat, naganap ang krimen sa bahagi ng Barangay Sobol sa bayan ng Asingan.

Daglian ang naging kamatayan ng biktimang si Dionisio Baldena, nasa hustong gulang habang target naman ngayon ng manhunt operation ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si Edwin Balbin, 31, na agad tumakas matapos ang krimen.

Lumalabas sa imbetigasyon ng pulisya na habang nanonood ng telebisyon ang biktima kasama ang kanyang mga apo ay bigla na lamang dumating ang suspek.

Sandaling nagtalo ang mga ito dahil kinukuha ng suspek ang remote control ng TV upang ilipat sa kanyang paboritong istasyon ngunit hindi ibinigay ng biktima.

Sa inis ay binaril ng suspek sa ulo, dibdib at tiyan ang tiyuhin. Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply