Tom Cruise at Katie Holmes hiwalay na

TINAPOS na nina Katie Holmes at Tom Cruise ang kanilang limang taong pagsasama.

Ayon sa balitang mabilis na kumalat sa mga online site, nagsampa na ng divorce ang aktres na si Katie sa New York. Mismong ang abogado nito na si Jonathan Wolfe ang nagsabi ng balitang ito.

Sinabi ni Wolfe sa report na: “This is a personal and private matter for Katie and her family. Katie’s primary concern remains, as it always has been, her daughter’s best interest.”

Hiniling din ng aktres ang solong kustodiya at sa kanya tumira ang anak nila ng Hollywood superstar na si Suri Cruise, 6. Humihingi rin ng suporta kay Tom para sa anak nila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply