Tomboy, ka-live-in niratrat, utas

KAPWA dead on the spot ang isang tomboy at ang kanyang ka-live-in partner matapos na pagbabarilin ng tatlong kalalakihan habang pauwi na sa kanilang bahay sa Barangay 17, Gingoog City, Misamis Oriental.

Sa report, kinilala ang mga biktima na si Dolorita Fernandez, isang tomboy, negosyante at live-in partner nitong si Maria Theresa Khu na may dating pamilya, at mga residente sa nasabing lungsod.

Sa impormasyong ibinahagi ni SPO1 Reynaldo Mutya ng Gingoog City Police Station, posibleng personal grudge ang dahilan kung bakit pinatay ang mga biktima.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ng kalibre .45 baril ang mga biktima sa kanilang katawan na naging dahilan ng kanilang agarang kamatayan.

Isinantabi na rin ng pulisya ang motibong robbery sapagkat walang nawawala sa mga biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply