Tomboy nilasing saka binarurot ng kaibigan

NILASING nang todo at saka hinalay ng kaibigan niya ang isang tomboy na luhaang dumulog sa himpilan ng Pendatun PNP sa General Santos City, sa ulat ng pulsiya ngayon.

Base sa ulat, naghain ng reklamong rape ang biktima na itinago sa pangalang Roma laban sa kanyang kaibigan na kinilala lamang sa pangalang Johnny ng nasabi ring lugar.

Sa salayasay ng dalaga aminado siyang kusang nakipag-inuman sa kanyang kaibigan at marami umano ang nainom niya kaya’t nalasing ng husto.

Sa pahayag ng biktima, una siyang nakatulog at tanda niyang iniwan ang suspek subalit nagising na lamang umano siya at nagulat na nakapatong na sa kanya ang kainuman.

Tinangka umano niyang manlaban subalit dahil sa sobrang kalasingan, wala siyang nagawa sa lakas ng lalaki.

Naigiit nito ang ari sa kaselanan ng biktima at nagtagumpay umano sa pagkuha ng kanyang pagkababae.

Sa sinagawang follow up operation, agad namang nadakip ang suspek bagama’t itinanggi ang akusasyon laban sa kanya.

Hiniling ng mga imbestigador na sumailalim sa medical examination ang biktima para magamit  sa pagsasampa ng kaso laban sa suspek.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply