Top taxpayers hindi kasali sa Forbes top 10

NAKABABAHALANG isipin na ang mga pinakamayayamang Pinoy sa buong mundo ay wala sa listahan ng mga top 10 taxpayer.

Ang mga top taxpayer sa listahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ay mga taong hindi masyadong sikat o bukambibig man lamang.

Sa listahan ng BIR noong 2010, ang mga individual na nagbayad ng pinakamalaking buwis ay mga taong hindi Sy, Tan o Gokongwei ang pangalan kung hindi mga apelyidong mukhang pangkaraniwan lamang.

Sila sina Vicente Tan Lao, Rolando Bonifacio Hortaleza, Carlos Jose Caparas, Martin L. Oniel, Vivian Que Azcona, Gregory Deane Reichow, Napoleon Logarta Nazareno, Orlando Banzon Vea, Daniel Edmund Chalmers and Ronaldo Romero Soliman. Sino ang mga ito? Never heard, sabi ng mga kakilala ko sa tabi-tabi.

Hindi ba dapat ay ang mga top taxpayer ay sina Henry Sy, Lucio Tan, Enrique Razon Jr., John Gokongwei Jr., David Consunji, Andrew Tan, Jaime Zobel de Ayala, George Ty, Roberto Ongpin at Eduardo Cojuangco Jr.?

Sila ang the world’s richest Pinoys, kaya dapat sila rin ang top taxpayer ng bansa, pero mukhang nagkakamali tayo.

Si Lao, kung sino man siya, ay nagbayad ng buwis na P235 million na sinundan naman nina Hortaleza, P217.81 million; Caparas, P205.32 million; Oniel, P189.06 million; Azcona, P162.72 million; Reichow, P150.37 million; Nazareno, P139.57 million; Vea, P126.08 million at si Chalmers ay P124.41 million.

Ang listahan ng the world’s richest Pinoys noong 2010 at listahan ngayong 2012 ay halos walang pagkakaiba, maliban kay Roberto Ongpin at kay Enrique Razon Jr.

Kataka-taka rin na biglang wala sa top 10 si Manuel Pangilinan, ang may-ari ng napakaraming negosyo here and abroad.

Ang tanong ng iba: Nagbabayad ba ng tamang buwis ang mga individual na ito?

Dapat siguro ay uriratin ito ng BIR. Ang paliwanag ng iba ay sa corporate tax daw nakababawi ang BIR sa mga super tycoon na ito.

Magka ganoon man, hindi ba dapat ding mag bayad ng individual tax ang mga ito?
At kung corporate taxes ang pag-uusapan, bakit ang No. 1 corporate taxpayer ay Smart Communications ni Pangilinan at hindi SM Prime Holdings na ari ni Henry Sy?

Ang top five corporate taxpayers natin noong 2010 ay ang mga sumusunod: Smart Communications, P11.45 billion; Chevron Malampaya, P4.37 B; Shell Philippines Exploration, P4.32B; Nestle Philippines, P4.27B; at San Miguel Brewery Inc., P4.20B.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply