Total nagpatupad ng rollback

NAGPATUPAD ng rollback ang Total Philippines sa presyo ng kanilang auto-LPG kaninang alas-12:01 ng hatinggabi.

Tinapyasan ng Total ng P1.50 ang bawat litro ng kanilang auto-LPG.

Ang rollback ay bunsod pa rin ng pagbaba ng contract price nito sa world market.

Sa kabilang dako, posibleng mapaaga ang pagpapatupad ng rollback sa pasahe sa dyip sa oras na bumaba pa ang presyo ng diesel sa oil companies.

Ayon kay Pasang Masda President Robert Martin, sa oras na bumaba sa P37.30 ang halaga ng kada litro ng diesel, magkukusa na aniya silang magtungo sa tanggapan ng Land Transportation Franchising & Regulatory Board (LTFRB) upang hilingin ang 50 sentimos na fare rollback.

Sakaling magtuluy-tuloy ang pagbaba ng presyo ng langis, malaki ang posibilidad na sa susunod na linggo ay maipatupad na ang rollback sa pasahe.

Tiniyak naman ni Martin na ipatutupad pa rin ang 20% discount sa mga estudyante at senior citizen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply