Totoy binoga ng 10-anyos, tigok

NAMATAY ang isang 10-anyos na lalaki makaraang mabaril ng kaedad nito sa Maasim, Sarangani province.

Nakilala ang namatay na si Sayson Tunday, ng Purok 3, Barangay Nomo, Maasim, Sarangani province habang sugatan naman ang kapatid nitong si Coralyn Tunday, 9.

Nabatid na pumunta umano sa bahay ng mga biktima ang suspek na si “JL” (di tunay na pangalan, 10) dahil may pamanhikan habang may dalang baril na homemade.

Pinaupo ng suspek ang magkapatid sa silya at doon sinabihan na walang bala ang baril nito sabay tutok subalit biglang pumutok.

Tinamaan sa tiyan si Sayson at nadamay ang kapatid.

Patuloy namang ginagamot sa district hospital ang mga sugatan sa General Santos City.

Kasalukuyang iniimbestigahan pa ang naturang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply