Toyota GT 86: A Legend is reborn

TATLUMPUNG dekada na ang nakakaraan magmula nang ilabas ng Toyota ang isa sa mga itinuturing na “legendary” sports car sa mundo—ang AE86. Ang AE86 ay kinilala sa palayaw na “Hachiroku” (“Hachi”-8, sa salitang Hapones, “roku”-6) at ang itinuturing na ama ng mga pinipitagang sports cars na Toyota 2000GT at Sports 800.

Nitong nakaraang Hunyo 18, nagkatotoo na nga ang mga naging usap-usapan sa industriya noong isang taon: the Toyota 86 has finally arrived in Philippine shores. All-out ang Toyota Motors Philippines  sa launching event ng 86. Hindi lamang mga miyembro ng media ang inimbitahan ng TMP sa Subic International Airport ngunit maging ang kanilang mga dealer at ang mga miyembro ng iba’t ibang Toyota car clubs sa bansa.

Isang malaking stage at dalawang naglalakihang screen ang naka-set up sa tarmac ng Subic International Airport kung saan mapapanood ng mga bisita ang live feed ng mga kaganapan sa event. Ang “big reveal” ng 86 ay maihahalintulad sa isang pre-war battlefield kung saan naauna muna ang mga sundalo bago ang mga heneral, o ‘di kaya ang hari.

In a V-formation, nauna munang pumarada ang ibang units ng Toyota gaya ng kanilang mga SUV (Fortunner,Land Cruiser,Innova), at ng kanilang mga sedans at compact cars (Camry, Vios, Prius); sinundan ito ng parada ng mga customized cars ng iba’t ibang Toyota Car Clubs.

Sa pangunguna ng drift champs na sina Dave Feliciano at Alex Perez, ilang segundo lamang ay dumating na ang mga “heneral” ng battalion: isang blue at isang white na Toyota 86— zooming and drifting through the airport’s runways in all its glory.

Present sa espesiyal na okasyon na iyon ang TMP President na si Michinobu Sugata,at all the way from Japan—ang Chief Engineer ng 86 na si Tetsuya Tada. Sa speech na idineliver ni Sugata, inihayag niyang napaka-espesyal at personal raw ng araw na iyon sa kanya dahil mismong siya ay fan ng Toyota (AE)86, magmula pa nang magsimula siyang magtrabaho sa Toyota noon. Ganun na lang raw ang kanyang excitement na dalhin ang new generation Toyota 86 sa Pilipinas nang makita niya ito sa Tokyo Motor Show noong December 2011, at noon ngang launching day, kinalimutan niya munang siya ang President ng Toyota Phils. at nagpaka-fan muna siya.

Hindi gaya ng nakagawiang tradisyon ng mga car manufacturers, ang test drive session para sa Toyota 86 ay isinagawa ng Toyota mismong sa runway ng Subic Airport kinabukasan ng umaga. Dalawang tracks ang inihanda para sa test drive: runway track (speed,power,etc., test) at technical track (breaks,suspension,etc.test).

Ang makina ng Toyota 86 ay ang kilalang D4-S Boxer, na isang engine technology collaboration sa pagitan ng Toyota at Subaru. True to Toyota’s history of sports engines, ang rear wheel Boxer engine ng 86 ay isang rear-wheel, naturally-aspirated 2.0 liter engine,at kumakarga ng 200hp. Katamtaman lamang ang numero nito kung ikukumpara sa ibang sasakyan sa parehong kategorya ngunit ang mabilis na kumagat na gear shift nito,  ang ‘Aero Sandwich’ design & form, at ang magaang timbang nitong 1200 kg, ang siyang mga nagbibgay karakter sa pagiging isang sports coupe ng Toyota 86. Ang seat height ng 86 ay mas mababa rin kumpara sa ibang sports cars sa sukat nitong 400 mm, upang maging mas komportable ang driver— mapa city or track/race driving man ito. Gayun din ang steering wheel nito na itinuturing ng Japanese brand na kanilang “smallest steering wheel ever fitted into a Toyota,” ang sukat nito ay 365 mm lamang, designed for the driver’s comfort in all driving conditions.

Ang presyo ng GT 86 ay pumapatak sa pagitan ng P1.550-milyon para sa Manual transmission hanggang sa P1,875-milyon, para sa Aero GT86 Automatic transmission.

At gaya nga ng nakaimprenta sa naglalakihang posters sa Subic International Airport, a legend has (once again) been uncovered.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply