Trabaho ang hinaharap ni Jodi kaysa pansinin si Iwa!

MALAMANG na ngayong week na rin ang balik ni Noli de Castro or “Kabayan” sa ilang araw nitong pamamalagi sa Amerika. Hindi bakasyon o trabaho ang sinadya ni Kabayan sa US kundi ang pagtanggap ng award mula sa 2012 New York Festivals (NYF) International Radio Programs and Promotions Awards para sa kanyang husay at dedikasyon sa propesyon. Ang nabanggit na NYF ay ginanap nitong Lunes ng gabi, June 18 (June 19 ng umaga naman sa Pilipinas).

Ang nasabing award ay nakamit ng kanyang programang Kabayan: Kapangyarihan ng Bayan, Balita at Talakayan, na siyang dahilan para maiuwi niya ang Bronze awards sa kategoryang Best Public Affairs Program sa News Program Category.

Sa mga hindi nakaaalam, ang programang ito ay isa sa pinakamatagal na sa himpapawid at laging nangunguna sa ratings ng mga radio news and commentary programs lalo na sa slot na 6 to 8 ng umaga mula Lunes hanggang Biyernes.

Partikular na pinarangalan sa NYF ang episode ng Kabayan kung saa’y tinulungan ng programa ang mga kababayan nating OFW na naipit sa kaguluhan sa Syria. At dahil sa direktang panayam ni Kabayan sa mga ito (OFW’s), nabigyan sila ng tulong ng Department of Foreign Affairs, nailigtas sa kapahamakan at naibalik sa bansa.

Ang mga ganito ding situwasyon ay pinagtuunan na ni Kabayan ng pansin kahit pa noong bise-presidente pa siya ng bansa.

Isang bonggang pagsalubong sa News and Current Affairs ang sasalubong kay Kabayan Noli sa kanyang pagdating this week mula sa Amerika.

—@@@—

NANANATILING palaisipan ang pananahimik ni Jodi Sta. Maria simula nang lumabas sa isang interbyu si Iwa Moto (na ang tsismis ay ka-on ngayon ng ex-husband na si Pampi Lacson) at nagsasabing ang Kapamilya aktres diumano ang unang nagtaksil kaya siya hiniwalayan ni Pampi.

Sabi pa ni Iwa sa kaniyang “pasabog,” inagaw raw ni Jodi sa kanya ang boypreng si Mickey kahit pa may relasyon pa sila ng anak ng senador.

After the “pasabog”, marami na ang nagtangkang kausapin si Jodi tungkol sa isyung inihayag ni Iwa sa kanyang dating asawang si Pampi Lacson.

Kaya lang, nananatiling deadma lang sa issue ito.

Tuloy, ang palaisipan ng karamihan, hindi kaya totoo ang balita ni Iwa kaya’t natameme ang aktres tungkol dito?

Nu’ng kunan namin ang isang taong malapit kay Jodi kung bakit ipinagkikibit-balikat lamang nito ang ‘pasabog’ ni Iwa, ito ang kayang pahayag.

“Ka-cheapan naman kasi ang pumatol sa isyung ‘yan? Halata namang kailangan ni Iwa ng publicity kaya nag-iingay,” mataray na sagot sa amin ng aming kausap.

Ang ikinasasama lang daw ng loob ni Jodi ay dahil nadadamay sa isyu ang anak nila ni Pampi.

According to our source, imbes na magmukmok sa isang tabi, mas pinili pa niyang mag-concentrate sa bago nitong teleserye with Richard Yap, a.k.a Papa Chen ng My Binondo Girl fame.

Ang nasabing serye ay may tentative title na Please Be Careful With My Heart.

—@@@—

SA MGA nagtatanong kung sino ang bagets na bagong pasok sa Aryana at siya ring gumaganap na Hubert sa primetime bidang serye sa Kapamilya, siya po ay si Dominique Roque, 19 years old, 5’9 ang height at may 1/8 American blood dahil sa ang kanyang grandma ay half-American. Pamangkin rin siya ni Beth Tamayo, kaya lang, si Judy Ann Santos ang naging susi para siya’y makilala at i-cast ng Kapamilya sa seryeng Aryana.

“Sumama kasi ako sa isang meeting ni Judy Ann sa ABS-CBN. Nakita ako ni Mother Biboy (Arboleda, isa sa mga big-wigs ng nasabing network), kinausap, piniktyuran, ipri-present daw nila sa staff ng Aryana,” bungad ni Dominique nu’ng humarap ito sa preskon kamakailan lamang.

Nauna na siyang naging Penshoppe model, kaya lang, hindi nagtuluy-tuloy dahil isinama ang bagets sa isang serye bilang kapatid  ni Juday noong taong 2008, ang Habang May Buhay. Sa nasabing serye, aminado ang baguhang talent na hindi siya gaanong napansin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply