Trader, broker ng P18-M soya bean oil kinasuhan ng BOC

IPINAGHARAP ng kasong kriminal ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice (DOJ) ang isang negosyante matapos sampahan ng P18 milyong smuggling case.

Ayon kay BOC Commissioner Ruffy Biazon, ang ipinagharap ng reklamo ay nakilalang si Christian Adan, may-ari ng Sea Probe Trading at kanyang broker na si Homer Aquino.

Nabatid kay Biazon na nagtangkang magpuslit si Adan ng 15X20 containers ng soya bean oil noong Marso 1, 2012.

Ito aniya ay idinaan ni Adan sa isang shipment na zero tariff sa ilalim ng Asean Free Trade Agreement (AFTA) upang makaiwas sa pagbabayad ng buwis.

Bunsod nito, nagkaroon ng under evaluation na $232,685 o halos P10 million ang shipment ng Sea Probe Trading.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply