Trak ng LPG nagliyab sa Parañaque

NAGLIYAB ang isang elf truck na nagdadala ng mga liquefied petroleum gas (LPG) makaraang sumabog nang tumagilid sa southbound lane ng South Luzon Expressway (SLEX) sa Sucat, Parañaque.

Nabatid na nagliparan ang mga nawasak na LPG sa northbound at southbound lane ng SLEX dahilan upang hindi madaanan ng anomang sasakyan ang kalsada.

Kaagad namang rumesponde ang mga bumbero at mabilis na naapula ang apoy ngunit hindi pa rin matukoy ang dahilan ng pagtagilid nito.

Base sa ulat ng Skyway Corporation, tumagilid ang naturang elf truck sa pakaliwa, umikot at humarap sa mga kabuntot na sasakyan.

Nag-leak ang isa sa mga tangke ng LPG na naging dahilan ng pagsabog at nadamay ang mga sakay na LPG.

Samantala, ligtas naman ang driver at pahinante ng elf  na mabilis na nakalabas bago pa ito magliyab.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply