Transport group: Rollback sa presyo ng langis, kapos

HINDI pa nasisiyahan sa patuloy na ipinatutupad na kaltas sa preso ng produktong petrolyo ang transport group.

Bagama’t sunod-sunod ang rollback na ipinatutupad ng mga kumpanya ng langis, kulang pa umano ang bawas presyo ng petrolyo.

Ayon kay Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) President Efren De Luna, hindi sapat ang P1.20 na tapyas presyo na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis lalo’t patuloy ang pagbaba ng presyo ng langis sa world market.

Binigyang diin ni De Luna na mabagal at kakaunti lamang kung magrollback ang mga kumpanya ng langis pero mabilis naman at malaki kung oil price hike ang pag-uusapan.

Ayon pa kay De Luna, kapos pa rin ang kinikita ng mga tsuper at kulang na kulang ang naiuuwi ng mga ito sa kanilang pamilya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply