Tricycle driver kalaboso matapos takasan ang enforcer

SWAK sa kulungan ang isang tricycle driver matapos nitong banggain ang traffic enforcer matapos habulin ang huli ang una, Huwebes ng umaga, June 13 sa Caloocan City.

Sinampahan ng kasong indirect assult at malicious mischief si Marvin Requez, 33, may asawa, ng Brgy. 40  ng nasabing lungsod

Ayon sa ulat, dakong alas 6:30 ng umaga ng banggain ng suspek ang biktimang si Fausto Cruz, miyembro ng Reporm Developtment of Public Safety and Traffic Management ng pamahalaan ng Caloocan.

Nabatid na sinita ng kasamahan ng biktima ang tricycle na may palakang ZN 8872 na minamaneho ni Requez dahil sa kolurum,

Sa halip na ipakita ang driver license sa enforcer, mabilis itong tumakas kaya naman agad itong hinabol ng biktima at inabutan sa kanto ng Bugallon dito na binangga ng suspek ang motorsiklo ng biktima na ikinasugat pa sa tuhod.

Natuklasan na ang dalang sasakyan ng suspek ay walang mga kaukulang dokumento bukod sa wala din itong personal na driver license.

Kasalukuyang naka-impound ang nasabing tricycle habang ang suspek ay nakapiit na sa Caloocan jail.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply