Tricycle driver nilikida sa Sorsogon

DEAD on spot ang isang 35-anyos na tricycle driver matapos itong barilin ng tatlong hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan sa lalawiagn ng Sorsogon, sa ulat ng pulisya ngayon.

Batay sa ulat, daglian ang naging kamatayan ni Melchor Bañares y Habal alyas Bankay at residente ng Barangay Sampaloc, Sorsogon City.

Ayon kay P/Supt. Renato Bataller, tagapagsalita ng Police Regional Office-V, bandang alas-3:15 ng madaling araw kanina nang matagpuan ang nakabulagtang biktima.

Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng naturang pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply