Trike driver binoga sa tapat ng bahay, utas

TUMIMBUWANG sa kalye ang isang tricycle driver nang pagbabarilin ng mga hindi nakikilalang armadong kalalakihan sa tapat ng kanyang bahay sa Quezon City kaninang madaling araw.

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na si Reynaldo Balmes, 48-anyos residente ng Domingo St. Barangay Holy Spirit.

Blangko naman ang Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), sa kung sino ang nasa likod ng pamamaslang pero nakikipag-ugnayan na sa Land Transportation Office (LTO) para malaman kung sino ang may-ari ng van na ginamit ng mga suspek sa pagtakas.

Ayon sa CIDU, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling sa tapat mismo ng bahay ng biktima.

Ayon sa misis ng biktima na si Nora, bago ang insidente ay sinundo pa ng kanyang mister ang kanilang anak bago nagpaalam na iinom kasama ang dalawang kaibigan sa isang videoke bar na malapit lamang sa kanilang bahay.

Pero nang matapos ang inuman at nasa tapat na ang biktima sa kanyang bahay ay pinagbabaril ito hanggang sa mapatay.

Ayon sa isang  Terry Magno, residente, napansin na niya ang pagparada ng naturang van sa lugar pero hindi niya akalain na ang target pala ng mga kalalakihang sakay nito ay ang biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply