Trike driver patay sa Asingan

ASINGAN, Pangasinan – Dead-on-the-spot ang isang tricycle driver  matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Asingan.

Nagtamo ng walong tama ng .45 pistol ang biktimang kinilalang si Philip Sabado, nakatira sa Barangay San Blas, Villasis, sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa inisyal na report, sumakay ang suspek sa bayan ng Villasis upang magpahatid sa Carusucan Sur, Asingan.

Sa report ng Villasis police station, natagpuan ang bangkay ng biktima sa masukal na lugar ng Carusukan Sur na halos puro tama ng bala sa ulo.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng follow-up investigation ang mga tauhan ng lokal na pulis kung ano ang motibo ng pamamaril.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply