Trike driver todas sa riding-in-tandem sa Makati

PATAY ang isang 33-anyos na tricycle driver nang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang inaayos ang trapal ng ipinapasadang sasakyan kagabi sa Makati City.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa ulo ang biktimang si Ernesto Atanante, nakatira sa 193 J.P. rizal St., Barangay Tejeros habang mabilis na tumakas ang mga salarin na magka-angkas sa isang motorsiklo na hindi nakuha ang plate number.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Alejandro Devalid ng Homicide Section ng Makati Police, kasama ni Atanante ang isang menor-de-edad na kaibigan sa pag-aayos ng trapal ng tricycle sa kanto ng J.P. Rizal at Sandico St., dakong alas-10:30 ng gabi nang biglang sumulpot ang dalawang suspek at binaril kaagad ng malapitan sa ulo ang biktima.

Bago tumakas ay pinaputukan pa umanong muli ng mga suspek ang biktima upang matiyak na hindi na siya mabubuhay.

Napag-alaman sa imbestigasyon na bago nangyari ang krimen, may nakasagutan umano si Atanante na isang hindi nakilalang lalaki na pinagbintangan niyang nagnakaw ng kanyang cellphone na bigay ng kasintahan niyang nagtatrabaho sa Japan.

Inaalam din ng pulisya kung may kaugnayan sa droga ang pamamaslang dahil natuklasan na kalalabas lamang sa bilangguan ni Atanante matapos masangkot sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

Nakuha ng pulisya sa lugar ng krimen ang dalawang basyo ng kalibre .45 baril at isang basyo ng kalibre .9mm na posibleng ginamit ng mga suspek sa pamamasalang sa biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply