Tropang Texters umiinit

PAUMENTO ang Talk ‘N Text Tropang Texters dahil unti-unti nilang napapaganda ang kanilang team standing sa nagaganap na 2012 PBA Governors’ Cup elims.

Kagabi ay pinaluhod ng Tropang Texters ang B-Meg Llamados, 89-72 na ginanap sa Araneta Coliseum upang ilista ang apat na sunod na panalo.

Tangan ngayon ng Tropa ang 5-3 win-loss slate matapos kumaldag ng 16 points si Larry Fonacier mula sa 4-of-3 shooting sa 3-point area habang may tig-15 puntos sina Ranidel De Ocampo at Jason Castro.

Kasalo ng Talk ‘N Text ang Llamados sa second spot habang solo sa unahan ang Rain or Shine Elasto Painters hawak ang kartang 7-1 panalo-talo.

Sa second game ng laban ay tinambakan ng Alaska Aces ang Air21 Express, 110-80.

Samantala, palalakasin naman ng Brgy. Ginebra Kings at Petron Blaze Boosters ang kampanya nila sa pakikipagtuos sa Barako Bull Energy at Express ngayong gabi ayon sa pagkakasunod.

Apat ang nagsisiksikan sa pang-apat na puwesto bitbit ang 4-4 karta.

Ang apat na teams na nag-aagawan sa fourth spot ay Boosters, Kings, Meralco Bolts at Powerade Tigers.

Unang laro ang Kings at Energy sa als 5:15 ng hapon bahang 7:30 ng gabi ang laban ng Boosters at Express na gaganapin sa Big Dome.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply