Tropical Storm Butchoy isa nang ‘full-blown typhoon’

ISA nang Category 1 Typhoon ang Tropical Storm Butchoy nang lumakas pa sa mga nakalipas na oras.

Sa pinakabagong weather advisory ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC) ng US Navy kaninang tanghali (Hunyo 15), ang bagyo ay huling namataan sa layong 681 kilometro sa Silangan-Hilagang-Silangan ng Surigao City.

Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 150 kilometro bawat oras (kph) at pagbugso na umaabot ng 185 kph.

Bumagal din ang kilos ni “Butchoy” habang tinatahak ang pangkalahatang direksyon na pa-Kanluran sa bilis na 13 kph.

Kung hindi magbabago ang kilos, malaki ang posibilidad na ito ay maging isang Category 2 Typhoon sa mga susunod pang oras.

Sa panig naman ng PAGASA, iniulat ni weather forecaster Chris Perez na umaabot na sa 100 kilometro bawat oras ang lakas ng hangin ng bagyo at may pagbugsong 130 kilometro bawat oras.

Base satellite and surface data, huling namataan ang bagyo sa layong 620 kilometro sa Silangan Timog Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Kumikilos pa rin ito sa bilis na 15 kilometro kada oras o sa pangkalahatang direksyon ng timog Japan.

Muling nilinaw ng PAGASA na ang nararanasang ulan sa Metro Manila ay dulot ng Hanging Habagat at walang kaugnayan sa bagyo kaya asahan pa ang mas masungit na panahon kapag nakalapit na ito.

Batay sa latest satellite image, magiging maulan ang halos buong bansa ngayong maghapon dahil sa Habagat at papalapit na bagyo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply