Truck driver utas, pahinante sugatan sa riding-in-tandem

PATAY ang isang driver ng trak at nasugatan naman ang pahinante nito makaraang ratratin ng dalawang riding-in tandem sa Brgy. Cotta, Lucena City, Quezon.

Kinilala ang nasawi na si Adeljo Maghugat habang sugatan naman si Christian Sta. Maria, 18.

Base sa inisyal na ulat, binabagtas ng trak ang kahabaan ng Brgy. Cotta nang biglang sumulpot sa harap nila ang dalawang motorsiklo na kapwa may angkas.

Bumaba ang mga suspek at lumapit sa gilid ng trak at kaagad pinaputukan si Maghugat habang pinababa naman si Sta. Maria na kumaripas ng takbo ngunit binaril din ito at tinamaan sa braso.

Kasalukuyang pinaghahanap ng awtoridad ang mga suspek na nagsitakas matapos ang pamamaril bitbit ang kalibre .45 na baril ng tsuper.

Patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply