Tserman iniligpit sa harap ng sabungan

PATAY ang isang barangay chairman makaraang barilin ng riding in tandem kaninang umaga sa harap ng sabungan sa Malanday, Valenzuela City.

Ang biktima ay nakilalang si Lauro Bantolo, 55, chairman ng Barangay Libtong, Meycauayan, Bulacan.
Batay sa imbestigasyon ng Valenzuela PNP, naganap ang insidente pasado alas-11:00 ng umaga sa harap ng sabungan sa Malanday, Valenzuela City.

Lumitaw sa report na ang biktima ay sakay ng multi-cab ng barangay na minamaneho ng anak nitong si Buchoy, 23 at umalis ng bahay bago mag-alas-11:00 ng umaga patungo sa lugar ng pamamaslang.

Ayon sa anak ng biktima, pagsapit nila sa Malahacan ay napansin nila na sinusundan sila ng naka-motorsiklo na may naka-angkas na dalawa katao subalit binalewala lamang nila ang mga ito. Pagdating sa sabungan ng Malanday ay tumigil ang multi-cab at bumaba ang biktima.

Huminto rin ang motorsiklo at bumaba ang angkas na lalaki na nakasuot ng kulay orange na damit at nilapitan ang biktima, sabay tutok ng baril at pinaputukan ang nasabing chairman na tinamaan sa kanang tiyan.

Kasunod nito ay tumakas ang mga suspek pabalik sa Meycauayan, Bulacan habang ang biktima ay isinugod sa Meycauayan Hospital subalit hindi na umabot nang buhay.

Nabatid mula sa anak ng biktima na bago ang insidente ay may sinita ang kanyang ama na isang lalaki na nag-te-text sa harap ng multi-cab.

Sa kasalukuyan ay nakikipagtulungan sa imbestigasyon si Supt. Hector Samar, hepe ng Meycauyan PNP sa Valenzuela PNP dahil opisyal ng kanilang barangay ang biktima. BOY SAN BUENAVENTURA

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply