Tubig sa Magat Dam malapit na sa critical level

PINANGANGAMBAHAN ang pag-apaw ng tubig ng Magat Dam dahil malapit na sa critical level ang taas ng tubig nito.

Kaugnay nito, nagpaabot na ng abiso ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga apektadong bayan.

Maging ang pamunuan ng Magat Dam ay inabisuhan na rin ng NDRRMC na ipaalam sa mga residente sa paligid ng dam ang kalagayan ng tubig nito.

Sa ngayon, nasa 188.85 meters na ang taas ng tubig sa Magat Dam.

Nabatid na 193 meters ang critical level nito.

Inaasahang sa Sabado (Hunyo 16) magpapakawala ng tubig sa naturang dam.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply