Tulak nabuko sa text, kalaboso

LAOAG CITY – Isang tulak ng iligal na droga ang naaresto matapos itong mabuking sa text ng mismong chief of police ng Piddig, Ilocos Norte, kamakalawa ng umaga.

Ayon sa inisyal na report ng Ilocos Norte Philippine National Police (PNP), nasa Piddig police station ang chief of police na si Sr. Inspector Teddy Rosqueta nang umano’y may nag-text sa kanya.

Nabatid na ang suspek na nakilalang si Angelo Domingo, ng Barangay 1, Laoag City ang nag-text sa number ng chief of police sa pag-aakalang number iyon ng isang customer na bibili ng shabu.

Lingid sa kaalaman ng suspek ay number ni Rosqueta ang nai-text niya.

Pagkatanggap ng nasabing text, kaagad na nagkasa ng buy-bust operation ang tropa ni Rosqueta upang arestuhin si Domingo.

Isang police asset ang umaktong bumili ng shabu at nang iaabot na ang shabu kapalit ng marked money ay pinosasan agad ang suspek at dinakma.

Nakapiit na ngayon ang suspek sa Laoag PNP detention cell.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply