Tunay na haligi ng lungsod

ANG katawagang “Dirty Harry ng Maynila” ay ikinabit na kay Manila Mayor Alfredo S. Lim kahit tapos na ang maliligayang araw ng kanyang pagiging alagad ng batas kung saan talagang ibinibigay niya ang katarungan sa mga biktima at pamilya nito.

Ang butihing alkalde ay isa sa mga panauhing pandangal ng mga halal na opisyal ng National Press Club (NPC) sa pangunguna ni President Benny Antiporda sa kanilang pagdiriwang para sa kanilang panunumpa sa tungkulin.

Nang banggitin ang moniker na “Dirty Harry” bilang pagkilala kay Mayor Lim ay sinabi nitong “tapos na ang mga panahong iyon.”

Tama! Iba na po ang papel ngayon ng alkalde ng Maynila. Hindi na para lang sa pagbibigay ng hustiya sa mga naaapi subalit maging ang pagbibigay ng magandang buhay sa mga mamamayang kanyang pinaglilingkuran.

Kasabay nang pagdiriwang ng ika-151 kaarawan ngayon ng Pambansang Bayani na si Jose P. Rizal, benendisyunan ng “Ama ng Maynila” ang may 138 magkapareha upang magsama sa iisang bubong sa bisa ng kasal.

Maganda ang ginawang pagbabasbas ng alkalde sa mga bagong mag-asawa dahil talagang dumaan sa proseso at hindi minadali. Naging magaan ang dating ng pagkakasal dahil masayang-masaya ang “haligi ng lungsod ng Maynila” habang ginagawa niya ang orasyon at tila wala itong kapaguran mabigyan lang ng kasiyahan ang magpapareha na papasok sa pagpapamilya.

Mas mahaba ang iginugol na oras ni Mayor Lim sa “Kasalang Bayan” na isinabay sa paggunita ng kaarawan ni Rizal na ayon na rin sa kanya ay upang maging memorable sa mga mag-asawa ang pagdiriwang ng kanilang pag-iisang dibdib.

Ang maganda, hindi lang tumayong nagkasal ang alkalde subalit ipinaalala nito sa mga bagong mag-asawa ang kanilang responsibildad upang mapanatiling mainit at matatag ang kanilang pagsasama.

Maganda ang payo ni Mayor Lim sa bawat isa at hindi kumiling sa lalaki lang.

Iginiit niya ang karapatan ng mga babae at hindi dapat saktan ng lalaki sakaling ayaw ng mga ito na sumiping sa asawa. Subalit gayundin ang babae na dapat ay magpailalim naman sa kaniyang asawa.

Dito makikita ang pagiging ‘ama’ ni Mayor Lim sa kanyang mga nasasakupan. Ayaw ni Lim na maging wasak ang pamilya ng mag-asawa at nais nito na makabuo ang mga ito ng malusog at masayang pamilya na isa sa pangunahing bumubuo sa isang pamayanan.

Payo pa nito na pagtibayin ang kanilang sinumpaang pagsasama hanggang kamatayan kaya’t dapat na mag-unawaan at iwasan ang maliit na away na kapag lumaki ay nauuwi sa hiwalayan na ang unang naaapektuhan ay ang mga anak.

Namigay ng cash gift si Mayor Lim sa mga ikinasal at maging ang mga nagpaunlak na dumalo sa okasyong sina Konsehal Nino dela Cruz, ng District 1; Joey Uy, ng District 6 at Josie Siscar ng District 5 ay namahagi ng mga munting regalo sa mga “June bride.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply