TV host bumili ng Ferrari FF worth 32 million!

SHOCKED ang nakaaalam sa tsismis na ‘to. Ganun daw pala kayaman ang TV host na ‘to. Ayon sa Top Gear Phil., nag-order daw ng isang Ferrari FF na nagkakahalaga ng 32 milyon sa Ferrarri showroom sa Global City ang nasabing host. Ang host ay dati nang natsismis noon na maraming dolyar.

Ang nakapupukaw lang daw nang pansin sa ginawang ito ng host ay omorder ito ng mamahaling sasakyan pagkatapos na mapatalsik ng Impeachment Court si Chief Justice Renato Corona ng Supreme Court.

***

Talent manager nanakawan sa ibang bansa, di makauwi sa Pinas

HUMIHINGI ng tulong sa kanyang mga kaibigan sa showbiz ang talent manager na ‘to dahil hindi makauwi ng Pilipinas. Nanakawan daw sila at nakuha ang lahat ng kanilang mga mahahalagang gamit kasama na ang pera, credit card at cellfone.

Narito ang buod ng kanilang emailed letter: “I’m writing this with tears in my eyes My Family and I traveled on a trip to Madrid Spain, unfortunately we were mugged at the park of the hotel where we stayed all cash, credit card and cell were stolen off us but luckily for us we still have our passports with us.

“We’ve been to the embassy and the Police here but they’re not helping issues at all and our flight leaves in less than 5hrs from now but we’re having problems settling the hotel bills and the hotel manager won’t let us leave until we settle the bills.

“We need your financial assistance to settle the hotel and we Promise to pay back as soon as we get back home.

Am freaked out at the moment.”

Ang manager na ‘to ang siyang may hawak sa lady politician na magaling kumanta at mahilig sa showbiz.

Na-involve rin ang huli sa kapwa politiko na nag-eenjoy din sa mundo ng pinilakang tabing. In fact, nagkaroon itetch ng aktres na dyowa.

***

Paula Bianca mahigpit na naging kalaban si Angeline Quinto sa tambayan 3rd OPM Awards

“PILIPINAS GOT TALENT Season 1 champion Jovit Baldivino at former MYMP vocalist Juris ang itinanghal na big winner sa katatapos na Tambayan 101.9 OPM Awards 2011 sa SM City North EDSA Sky Dome noong May 28. Tinanggap ni Jovit ang Male Artist of the Year Award at Best New Artist of the Year samantalang nasungkit naman ni Juris ang Female Artist of the Year, Song of the Year para sa hit single na ‘Di Lang Ikaw’.” Ito ang isang linya na kinuha namin sa pahayagan na nagsasabing nanalo si Jovit ng Best New Artist of the Year sa Tambayan.

Nalito kami dahil si Baldivino ay hindi naman nominado sa kategoryang new artist. Sa nakuha naming listahan, ang magkakatunggali sa Best New Artist ay sina Paula Bianca, Bryan Termulo, Zia Quizon, JM De Guzman at Angeline Quinto.

How come na ang PGT grand winner ang nanalo sa nasabing category?

Anyway, bagama’t hindi nagwagi ang paborito naming rock singer na si Paula Bianca, balita naming si Angeline Quinto ang mahigpit nitong nakalaban sa botohan. Maswerte lang si Quinto dahil nasa ABS-CBN s’ya. Pero kung sa hatawan ng boses ang pag-uusapan, sila ni Bianca ang magkatapat.

Gayunman, nagpapasalamat pa rin si Paula sa lahat ng mga bumoto sa kanya at nag-effort na ikampanya siya bilang Best New Artist sa katatapos lamang na 3rd Tambayan 101.9 OPM Awards.

***

Mahirap ang laban ni Aga Muhlach

NGAYON lang namin nalaman na may pamilya palang pulitika ang pinagkakalibangan. Hahaha! Imagine, ang pamilyang makakalaban ni Aga Muhlach sa 4th District ng Camarines Sur ay gustong hawakan ang buong distrito. Sa kasalukuyan, ang tatay ay congressman, ang asawa ay mayor ng Sangay, ang isang anak ay mayor ng Tigaon at yung isang anak ay nag-aambisyon ding tumakbo sa pagka-mayor sa San Jose at itong isa pang anak ang siya namang makatatapat ni Aga sa pagka-congressman. Aba’y matindi pa sa trapo ito. Sus ginoo!

Ang Tigaon, Sangay at San Jose ay nasa ika-apat na distrito pong lahat ng Camarines Sur. Kaya Aga, pag-igihan mo dahil kakaiba itong makatatapat mo!

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply